
Isa lang sa mga napagtuunan ng aking utak ang tungkol sa mga UFO's or Unidentified Flying Objects, alam ko na sa dinami dami ng pwedeng pag usapan or pag isipan eh bakit ito pang tungkol sa mga Aliens ang naiisip ko. Siguro dahil sa may napanood ako tungkol dito sa Discovery Channel kamakailan lang. Pero naniniwala ba kayo na may mga UFOs, E.T or Aliens. Marami na tayong narinig, nabasa at napanood na kwento tungkol dito. May nagsasabi na may mga nakakita na nitong mga nilalang na galing sa ibang daigdig sintulad ng ating mundo. Pero iba ang aking pananaw o opinion tungkol dito. Totoong naniniwala ako na may ibang nilalang na dumadalaw sa atin, o sabihin na nating Aliens, pero ang paniwala ko ay hindi ito galing sa ibang planeta or ibang solar system. Ayon sa Bible under ng Genesis, lumikha ang Diyos ng mga nilalang na pantubig, pang lupa, pang langit at iba pa. Ang iba pa ay hindi na idenetalye, maaaring ito na yong pinaniniwalaan nating E.T or Aliens. Ibig sabihin lang na ang mga nilalang na ito ay nasa loob lang din ng ating mundo. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit na kahit anong advance ng ating gamit sa paghahanap ng mga ito sa labas ng mundo eh hindi pa rin makakuha man lang ng ebidensya na galing ang mga ito sa labas ng daigdig. Ito ay maaring, ang mga aliens ay nakatira din dito sa atin pero sa ibang dimension lamang, tulad ng mga dwende, engkanto, multo atbp. Maaring mayron lamang silang pinagdadaanan na pinto or gateway para makapasok sa dimension ng tao. Ang isa ko pang theory ay maaaring sila ang makabagong tao na nangaling sa makabagong panahon. Kung babasihan ang Theory of Evolution ni Darwin, na nagmula tayo sa unggoy hanggang sa naging itsurang tao ay pwede rin sabihin na mula sa tao ay pwede rin humantong ang itsura natin sa Alien makaraan ang mahabang panahon.
Ikaw ano sa palagay mo? may katuturan kaya ang mga ito?
No comments:
Post a Comment