Friday, December 29, 2017

Forbidden Fruit


Sa matagal na panahon, halos 8 taon ang nakaraan mula ng huli akong nagsulat dito sa blog na ang buong akala ko ay hindi na aktibo. Ako ay natuwa ng mabuksan ko muli ang blog na ito at ituloy ang pagsulat ng mga nakabaon sa malalim ko na kaisipan. May katuturan man o wala ang aking sinusulat, subalit ito ay isang paraan ng aking paglilibang at pag alis ng tensyon dulot ng araw araw na pamumuhay.

Aking umpisahan talakayin ang tungkol sa Forbidden Fruit na bunga ng Tree of Knowledge na nabangit sa Book of Genesis ng Bibliya. Ayon sa kwento sa Bibliya, binalaan ng Diyos sina Adam and Eve na huwag kakain ng bunga o prutas na galing sa Tree of Knowledge, maari nila kainin ang lahat ng bunga ng ibang puno, maliban lang ang bunga ng Tree of Knowledge, subalit dahil sa sobrang pagnanasa at pagkaganid ni Eve dahil na rin sa pagbuyo ng Ahas kay Eve, na sa oras na matikman nya ito ay sigurado makakamit nya ang "Great wisdom", kabaligtaran sa sinabi ng Diyos na kamatayan ang idudulot nito. At dahil nga sa mga pinangako ng  Ahas ay napatikim si Eve at hinikayat nya din si Adam na kumain nito. At dahil sa kaganapan na iyon, ay itinakwil at pinalayas sila ng diyos mula sa Paraiso. Ang ahas na humikayat kay Eve na sumaway sa utos ng Diyos ay sumisimbolo sa isang Demonyo, at ang simbolo ng Fruit of knowledge or Forbidden Fruit ay isang mansanas or apple, subalit wala talaga nakakapagpatotoo pa dito kung mansanas nga ang prutas o bungga na nababangit, subali't nakasanayan na ang paggamit ng apple bilang simbolo ng Fruit of Knowledge.

Ang kwentong ito hango sa Bibliya ay isang mensahe na may nais iparating, maaring isang babala na tungkol sa masamang idudulot o mangyayari sa darating na mga panahon, at ang pangunahing maapektuhan ay ang katauhan. Sa inyong palagay ano kaya ang Forbidden fruit sa kasalukuyan. Sakin palagay ang World Wide Web or Internet ang maaring Forbidden fruit or Fruit of Knowledge.  Subalit nakakabahala ang epekto nito ngayon sa tao. Kung mapapansin mo, maraming tao na ang lumalalim ang kaalaman sa mga bagay bagay sa tulong ng internet, pati mga bagay na hindi na dapat alamin ng tao ay madali na nakukuha. pati ang pribadong bagay tungkol sa katauhan at pangyayari ng isang individual ay nalalaman ng ibang tao, nagiging mga arogante ang karamihan at mayabang, madaling magbigay ng puna at madalas ay nagdudulot ng galit, poot sa mga tao. Sa sobrang dunong ng mga tao ngayon ay nagbabago na ang ugali ng mga ito. Dumadami rin ang mga balitang hindi magaganda kung kayat ang Negative Energy ay lumalakas laban sa positive energy. Naisulat ko na noon ang tungkol sa Positive at Negative Energy, at ang paguugali ng tao ay malaking impluwensya sa pagpapalaganap ng Positive or Negative Energy. Nakakalungkot isipin pero ramdam ko ang lakas ng Negative energy na dulot ng Internet. Marami ngayon ang nagaaway dahil sa mga maling balita, maraming tao ang nagiging mayabang at materyoso. Karamihan ngayon ay nauubos ang oras sa Facebook at iba pang application or tools. Obserbahan mo kung tama ang sinasabi ko,.... pero ganun pa man, ay marami din naman ang nagpopost ng magaganda at nagbibigay ng inspirasyon sa buhay ng tao, at ito ang dapat na ipalaganap. Naglaro tuloy sa isip ko ang simbolong mansanas or Forbidden fruit, na makikita sa internet bilang logo ng isang cyber at gadget company. Napakaraming tao ang nahuhumaling sa gamit na gawa ng kumpanyang ito, tulad ng computers at cellphone. Nakakaangat ng status symbol ang mayrong  gamit na may tatak ng mansanas. Ano nga kaya ang ibig sabihin nito??maaring nagkataon lang at mapaglaro lang ang isipan ko...hindi ito dapat seryosohin ngunit naniniwala ka ba na ang Internet ang maaring Fruit of Knowledge at Forbidden Fruit na mahigpit na ipinagbawal ng Diyos na kainin dahil nga sa ito ang sisira at papatay sa sang katauhan at maging dahilan para masira at mamatay ang mundo???
ANO SA PALAGAY MO???

Friday, April 13, 2012

POSITIVE ENERGY VERSUS NEGATIVE ENERGY

plasma lamp Français : Lampe plasma. Română: L...plasma lamp Français : Lampe plasma. Română: Lampă cu plasmă. (Photo credit: Wikipedia)
Marahil ay madalas mo nang naririnig ang salitang Positive Energy at Negative Energy, lalo na sa usaping Feng Shui or mga patungkol sa cosmic energy or paranormal activities. Para sa akin, ito ay mga elemento ng  mahiwaga at mysteryosong Science. Uri pa rin ng Science na hindi maipaliwanag ng logic kung  ang pagbabasihan mo lamang ay mga bagay na alam lang natin na nag exist sa mundo. Ngunit kung susuriin natin ay simple lamang ang ibig sabihin ng Positive Energy at Negative Energy.  Kung Positive ibig sabihin ay good, mabuti, maganda at kung Negative naman ay masama, bad, hindi kanais nais. At ano naman ang energy? Kapag hinanap mo ito sa dictionary ay ito ang definition: Energy is the capacity of a physical system to perform work. Energy exists in several forms such as heat, kinetic or mechanical energy, light, potential energy, electrical, or other forms.Ngunit may isang simpleng salita na aayon sa energy at ito ang salitang "POWER". Ang Energy or Power ang syang may impluwensya sa mga bagay-bagay na nakapaligid sa atin nakikita man o hindi nakikita, at napakalakas rin ng impluwensya sa pag uugali ng tao.

Marahil ay naranasan nyo nang makapunta sa isang retreat house or lugar na napakatahimik at banal, isang lugar na napaka peaceful. Dito nagpupunta ang mga taong nag soul search, nag aalis ng depression at kung ano mang problemang emotional. karaniwan ng namamahala at nagpatayo ng lugar na ito ay mga pari at madre.  Isa lang masasabi ng mga nakapunta dito, napaka positive ng energy, at ang pagiging positive nito ang syang nakakaginhawa sa kanilang damdamin, nawawala ang anumang depression at galit. Kung kayat ang mga nangagaling dito ay nagkakaroon din ng positive energy. Sadyang nakakahawa  ang Energy nito. Nagiging maganda ang pananaw mo sa buhay, nawawala ang galit at poot, o pagka angas ng isang tao. Kung lahat sana ng lugar dito sa bansa or sa mundo ay puro retreat house ng sa ganun ay mabago ang negative energy ng tao na kapuna puna na sa ngayon.

Sa ngayon ay damang dama ko ang malakas na negative energy sa kapaligiran, para bang kapag naglakad ka sa mga lugar na maraming tao ay dama mo ang stress ng bawat isa, stress na dulot ng problema sa buhay, at ang stress na ito ay isang uri ng Negative Energy, nakakaimpluwensya sa masamang pag uugali ng tao, karaniwan ay nagiging masungit, walang pasensya, ayaw ng inconvenience, walang kapwa tao, at higit sa lahat hindi na marunong NGUMITI. Halos lahat ng makasalubong ko ngayon ay nakasimangot at galit ang mukha.
Sabihin na nating sumama na ang ugali ng maraming tao. Bihira na ang tao na may positive energy na makasalubong mo sa ibat ibang lugar, lugar man ng mahirap or mayaman.

Sadyang napakalakas ng pwersa ng Negative Energy ngayon, dahil sa dami ng tao na may Negative energy na nakakahawa. Naniniwala kasi ako na ang mga nangyayari di maganda sa mundo at tao ngayon ay dala ng kumakalat na Negative Energy. Habang ang Positive Energy ay humihina dahil kumokonti ang taong may positive energy.

Ano nga ba ang dahilan at lumalakas ang pwersa ng Negative Energy? Paano natin ito babaguhin? Ano ang dapat natin gawin?

Sa ngayon ay napakaraming tao ang mapang asar at angas, mga taong mali ang pananaw sa buhay at handang makipagtalo mapatunayan lamang na tama ang kanyang masama at maling paniniwala. Ang klase ng mga taong ito ay nakatutulong sa pagpapalakas ng Negative Energy. Ang nakakalungkot isipin ay mayrong mga  naniniwala at sumusubaybay sa mga ganitong uri ng tao, lalo na kung ang taong ito ay sikat at mayaman ang mga tao ay nalilinlang dahil sa pagnanais na magkaroon or mabahagian ng yaman o pagkasikat ng taong kanyan iniidilo. Pag ganito ang nangyari ay mas darami ang uri ng tao na mag karoon ng negative energy. 

Ang isa pang napansin ko na nakakadagdag ng Negative Energy ay ang mga Balita sa Radyo at Television, or Media. Halos tungkol sa masasamang gawain ng tao ang kwento ng balita, siraan ng mga pulitiko, at tsismis ng artista, patayan dito, holdapan doon, punahan ng punahan ng mali. Bihira ang magagandang balita na makaka inspire sa tao para gumawa ng mabuti at guminhawa ang damdamin, sa halip ay poot at galit ang iyong mararamdaman sa mga dalang balita ng Media. Business wise mas mabenta ang mga balitang nakakainis at kasuklamsuklam. so bottomline pera pa rin. 

Napakalakas ng impluwensiya ng television, radyo at babasahin, kaya nito madiktahan at mabago ang ugali at pananaw ng tao sa mga bagay bagay. Kung ito lang ay magagamit ng tama, sa halip na masasamang balita ay puro maganda at nakaka inspire n kwento, pangyayari at mangyayari sa buhay, ay malamang na darami ang bilang ng mababait na tao, lalaki ang impluwensya ng may Positive Energy.

Malakas na Positive Energy ang kailangan ng mundo natin ngayon , ang mundo natin ay isang malaking nilalang  na nagkasakit dahil sa ating masasamang ginagawa at inuugali, tayong tao ay parang mga bacteria at cholesterol na may Good at Bad na sa kasamaang palad ay dumarami ang Bad bacteria at Bad Cholesterol ng mundo na balang araw ay magiging dahilang ng pagkamatay nito. Ang mga masasamang nangyayari sa tao at kapaligiran ngayon ay isang pagbabadya na napakalakas na ng Negative Energy na sa atin mismo nagmula.

Naniniwala ako na di pa huli ang lahat para mapalakas ang positive energy ng mundo,  maaring mangyari ito kung magagawa nating umiwas sa mga malalakas at maimpluwensyang negative energy,  Makakatulong siguro kung bawasan natin ang pakikinig ng mga masamang balita na nakakaapekto ng ating damdamin, makakatulong din ang pagiging positibo at hindi pessimistic, maging pasensyoso sa buhay, at importante rin na matutong ngumiti, Mag SMILE sa mga taong nakakasalubong, ugaliing maaliwalas ang mukha at hindi pala simangot. Sa totoo lang, nakagiginhawa ng pakiramdam ang may makasalubong kang taong nakangiti. At syempre  magdasal at magpasalamat sa Diyos, Maging totoong mabuting Tao sa Kapwa, Hayop at Kapaligiran.
Enhanced by Zemanta

Friday, September 16, 2011

Maglibang at hwag Mahibang

Grabe na! Ito ang pauna kong salita dahil sa mga nararanasan ko o nararanasan ng karamihan na hindi magandang pagbabago sa kapaligiran o sa ating mundong kinalalagyan.

Nandyan ang nakakabahalang Climate Change, mga di pangkaraniwang pagbabago sa klima, na nagdudulot ng mga kakaibang trahedya, tulad ng mga malakas na earthquakes,kasabay ng naglalakihang tsunami na nangyari at nagpahirap sa kalagayan ng Japan. Mayron ding Flood, Tornado, at Heatwave na nararanasan sa ibat ibang bansa. At kung katahimikan ng lugar naman ang pag uusapan ay nagkalat ang di pagkakaunawaan ng mga bansa, gyera dito gyera duon, tulad sa Libya. Pagdating naman sa sakit ay sadyang nakakabahala din dahil dito sa Pilipinas ay naging usapin ang pagkalat ng Dengue, at ang nakakabahalang pagdami ng taong positive sa HIV. Halos wala na nga raw pinipili ang nagkakaroon nito, desente man o hindi.

Napansin ko rin na parang dumadami ang mga ma angas na tao, dumadami ang masungit, mapanlinlang, mayabang, at halos pera na lang ang importante sa mga ito. kokonti na lang ang totoong mabait sa mundo, eka nga rare species o di kaya'y endangered species.
May kasabihan at pag aaral na "Nice guys finish last" napag-iiwanan ang mga taong mababait at iba nasasapawan ng mga masasamang tao. Karaniwan daw kasing ugali ng mababait eh yon mahiyain, hindi mareklamo, pasensyoso sobra, kaya madalas naloloko at inaabuso dahil madaling lapitan, friendly and approachable. Ang tawag ng iba dito ay "Tanga". Kawawa ang mababait sa mundo. Pero may mababait rin naman na palaban, at sana dumami sila para paglabanan ang kasamaan.

Bakit nga ba nagkakaganito? Sadyang may napakaraming dahilan, lahat ay may nais sa buhay. Ang lahat ay gusto ng maginhawang buhay, na kung minsan ay hindi na iniisip kung may mabuti o masamang epekto sa sarili o sa mga tao sa paligid. Pero ano ba ang definition ng Maginhawang buhay?

May mga taong nag nanais lang na makakain sa araw araw ay masasabi na nilang maginhawa na ang kanilang pakiramdam. May iba na nagnanais lang na may matirahan o di kaya ay may matulugan ay sapat na kaginhawaan sa kanila. Sa kabilang dako, may mga tao na di nakukuntento sa simpleng pagkain lamang, o di kaya ay tumira sa isang maliit na tirahan, maraming tao ngayon ang hindi kuntento sa sarili, gusto nila ay naiiba sila, kung kayat ang ibang mayayaman o kahit hindi mayaman ay naghahangad ng magagandang gamit, mamahaling gamit, tulad ng mga branded na celphones, watches, damit, sapatos, bags, atbp. Hindi ko sila masisi kung itong mga bagay na ito ang nakakapagpaligaya sa kanila.

Nakakalungkot isipin na may mga taong handang magbayad ng milyones para lang sa isang gamit na pwede mo naman mabili sa mas murang halaga. Nakakagulat ang mga milyon presyo ng bag at daan libong presyo sapatos na binibili ng mga kilalang tao. Kung ang purpose mo lang ay lalagyan ng kagamitan at proteksyon ng mga paa sa paglalakad, eh bakit kailangan maging sobrang mahal o di kaya'y kilalang brand or tao pa ang gumawa. Simple lang, gusto mong hangaan ka, at ipaalam sa mga makakakita na mayaman ka, at powerful ka. Aminin na natin na ang mga ganitong gamit ay signs of power, intimidating, sadyang nakakakuha ng atensyon ng iba. Sad to say these people are living in Vanity, May kilala akong ilang tao na handang magtipid sa ibang bagay hwag lang sa luho nila sa katawan, isang example ang mga taong nahihilig sa pagbili ng magagarang sasakyan ngunit walang pambayad sa tirahan. Mga taong branded, tumitingin o namemresyo ng itsura mo base sa presyo or brand ng yon kasuotan, para sa kanila, kahanga hanga ka or powerful ka kapag puro branded ang iyong suot, kahit wala ka ng pambayad ng kuryente or pambili ng healthy food ok lang basta makabili lang ng branded items dahil natatakot sila mapintasan pag fake ang suot nila, ganito rin kasi sila sa mga taong tinitingnan nila.

Hindi mo sila masisi kung ito talaga ang nagpapaligaya sa tao ngayon, pera, popularidad, magandang kaanyuan....ang masasabi ko lang ay ito ay isa lang libangan ng tao habang nabubuhay sya.

Dapat natin isipin na ang lahat ng bagay mayron tayo ay hanggang dito lang sa material world at hindi natin madadala pag namatay tayo. Tamang MAGLIBANG tayo habang nabubuhay pero hwag tayong MAHIBANG sa mga bagay mayron tayo or mga pangyayari sa ating buhay na nakakadagdag pogi points or power.

Kung tatanungin kita, sa palagay mo ilang taon ka mabubuhay? or what age do you think are you going to die? at habang hinihintay mo ito, eh paano mo spend ang days mo sa mundo? Hihintayin mo pa bang magkasakit at magkataning ang buhay mo para marealize mo ito at mag start gumawa ng maganda at mabuti sa kapwa?

Dapat natin isipin na ang lahat ng ginagawa natin ngayon ay isang uri lang ng paglilibang habang naghihintay tayo tawagin ng Diyos. Ang pagtratrabaho, pagnenegosyo, pagtambay, pagkahumaling sa mga bagay, pag nanais na maging sikat, powerful, maging mayaman ay mga paglilibang lamang. Naglilibang tayo para makaramdam ng masarap na pakiramdam, kung sa iba, ang pagtulong sa kapwa ay isang paglilibang dahil ito ang nakakaginhawa sa kanyang pakiramdam, ang iba naman ay walang tigil sa pagpapayaman para mabili ang lahat ng gustong makakaginhawa ng kanyang pakiramdam kahit na masama na ang epekto sa lipunan. Pag ganito na ang nangyayari sayo, nagiging attached ka na sa materyal ay nahihibang ka na at nasasayang mo ang mga araw at taon ng natitira mong buhay.

Sana matuto tayong maginvest ng magagandang gawain sa tao at hindi sa mga bagay na walang katuturan na alam mo rin nakakaapekto sa masamang paguugali ng tao. kailangan nating padamihin ang rare or endagered species mga "MABABAIT NA NILALANG" sa pamamagitan ng pagpapakita ng magandang asal, pag impluwensya sa mga taong ayaw bumitaw sa materyal na bagay. Hindi sukatan ang pagiging banal kung di ka rin naman marunong makipag kapwa tao. Marami ang nagsisimba, nagdadarasal ng taimtim, pero kung magtrato ng iba ay akala mo mga superior na nilalang at tingin sayo ay alipin at mababang uri ng tao. Pakiramdam nila ay nasagip na sila ng Diyos dahil sa matindi nilang devotion at pananalig, subalit kabaligtaran sa mga aral ng Diyos ang ginagawa, Mga sobrang talino kapag nakipagtalo tungkol sa Bibliya, pero sa pakikipagkapwa tao ay nagbobobo-bobohan.

Dapat nating malaman na sa oras ng ating kamatayan, hindi mo na iisipin kung ano ang mga karangalan na nakuha mo sa buhay, ano ang posisyon mo sa estado, saan ka nagtapos at anong kurso mo, gaano ka kayaman,ilan ang bahay at kotse mo, gaano ka kaganda or kagwapo....Lahat ng iyon ay iiwanan mo, at ang matatandaan lamang sayo ay ang magagandang ginawa mo sa kapwa, paano mo natulungan at napagaan ang mga buhay nito, ito ang mga bagay na mag mark sa isipan nila at naniniwala akong naging magandang investment or libangan mo ng ikaw ay nabubuhay.

Kaya ngayon pa lang ay maglaan ng oras sa pamilya, mahalin mo mga ito, mag invest sa pag mamahal, gumawa ng mabuti sa kapwa at maimpluwensyahan ng magandang aral. Maglibang pero huwag Mahibang.
Enhanced by Zemanta

Thursday, May 19, 2011

Fact or Fiction?

An example of Allāh written in simple Arabic c...Image via WikipediaKung ating paguusapan ay History, eh mahina ako dyan, pero sadyang nakakaaliw at masarap balikan ang mga istorya o kwentong naganap noong unang panahon o mga ilang dekadang nakaraan. Pero may tanong lang ako...Totoo bang may ganoong pangyayari? Tama ba ang detalye ng pagkakasabi o pagkakakwento sa libro na ating nabasa? May mga eksperto at dalubhasa na nag-aral at nagpatotoo dito, pero gaano sila kasigurado kung wala naman sila sa oras o panahon ng mangyari ang mga iyon, Lahat ay base lamang sa mga kwento or personal journal ng mga taong nakasaksi sa pangyayari noong mga oras na yon at nagpasalin salin sa ibat ibang tao, salita, lugar at panahon. Sa madalit salita eh tsismis lang. Ito marahil kung bakit nakakaaliw dahil mahilig tayo sa mga istoryang may misteryo o katsismisan. 

Naalala ko tuloy nun napanood ko yon isang game ng Eat Bulaga, yon sa pula sa puti. na kung saan ang mga nanalo ay magbubulungan at magpapasahan ng tanong na binasa ng una. Ang nagbasa ay magpapasa ng tanong ng pabulong sa kanyang katabi at ang napasahan naman ay muling ipapasa sa ikatlo nilang kakampi at katabi hanggang sa ang pang apat o huli ang sya namang magsasabi o magsusulat ng sagot sa tanong na ipinasa sa kanya. kung minsan ay sagot na ang ipinapasa at hindi na tanong para di na mag isip at magkamali ang huli. Kwenta ay apat na tao lamang ang nagpasahan. Pero ang nakakatawa, pagdating sa huli ay mali na ang naipasa o tinutukoy na sagot sa tanong. Ganito ka simple kung paano namamali ang kwentong naipasa. Paano pa kaya kung maraming tao ang pinasahan at maraming taon na ang nakakaraan? Malaking ang posibilidad na namali na ang orihinal na salaysay, maaring kulang or mas madalas sobra para mas kaaya aya para kaaliwan ng mga aalam at babasa. Mas lalong interesting ang mga kwentong exaggerated. 

MosesImage via WikipediaKaya sinong makakapagsabi ng mga tunay na nangyari sa buhay ni Moses, Kristo, Allah, Buddah, o ang tunay na nangyari sa buhay ni Rizal, Aguinaldo? Mga naganap noong Exodus at Giyera? Sadyang maraming tanong at misteryo. Dahil sa pasalinsalin na kwento at interpretation lalo pa't matagal na panahon na ang nakalipas. Malay nyo may mga sikretong nakapaloob sa mga kwento ng Bibliya o sabihin nating edited version na ito. 

Ngunit tulad ng sabi ko ito ay mga kuro kuro lamang, mapaglarong imahinasyon, opinyon na maaring maging posible.







Enhanced by Zemanta

Rubbish Thoughts

Concerning the Ufo Sighting...Image by Alan Tippins via FlickrSa wakas naumpisahan ko rin itong blog na ito, patungkol sa mga naiisip ko habang patay ang oras. Sigurado ako na kayo rin ay nakapag iisip ng kung ano ano lalo na sa oras ng pagtulog. Naiisip natin ang mga nangyari nun araw na yon, at kung may problema, eh walang tigil na pag iisip ng solusyon ang pumapasok sa ating kokote. Pero bukod dun ano pa nga ba ang pumapasok sa utak natin? Kung ako tatanungin nyo eh ang dami dami kong naiisip, eka nga eh bright ideas pero ang sabi nila rubbish thoughts daw or basura lang. Pero saking palagay eh , naniniwala ako na maaring makatulong ang mga ideas na naiisip natin. 

Isa lang  sa mga napagtuunan ng aking utak ang tungkol sa mga UFO's or Unidentified Flying Objects, alam ko na sa dinami dami ng pwedeng pag usapan or pag isipan eh bakit ito pang tungkol sa mga Aliens ang naiisip ko. Siguro dahil sa may napanood ako tungkol dito sa Discovery Channel kamakailan lang. Pero naniniwala ba kayo na may mga UFOs, E.T or Aliens.  Marami na tayong narinig, nabasa at napanood na kwento tungkol dito. May nagsasabi na may mga nakakita na nitong mga nilalang na galing sa ibang daigdig sintulad ng ating mundo. Pero iba ang aking pananaw o opinion tungkol dito. Totoong naniniwala ako na may ibang nilalang na dumadalaw sa atin, o sabihin na nating Aliens, pero ang paniwala ko ay hindi ito galing sa ibang planeta or ibang solar system. Ayon sa Bible under ng Genesis, lumikha ang Diyos ng mga nilalang na pantubig, pang lupa, pang langit at iba pa. Ang iba pa ay hindi na idenetalye, maaaring ito na yong pinaniniwalaan nating E.T or Aliens. Ibig sabihin lang na ang mga nilalang na ito ay nasa loob lang din ng ating mundo. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit na kahit anong advance ng ating gamit sa paghahanap ng mga ito sa labas ng mundo eh hindi pa rin makakuha man lang ng ebidensya na galing ang mga ito sa labas ng daigdig. Ito ay maaring, ang mga aliens ay nakatira din dito sa atin pero sa ibang dimension lamang, tulad ng mga dwende, engkanto, multo atbp. Maaring mayron lamang silang pinagdadaanan na pinto or gateway para makapasok sa dimension ng tao. Ang isa ko pang theory ay maaaring sila ang makabagong tao na nangaling sa makabagong panahon. Kung babasihan ang Theory of Evolution ni Darwin, na nagmula tayo sa unggoy hanggang sa naging itsurang tao ay pwede rin sabihin na mula sa tao ay pwede rin humantong ang itsura natin sa Alien makaraan ang mahabang panahon.

Ikaw ano sa palagay mo? may katuturan kaya ang mga ito?
Enhanced by Zemanta